Thursday, June 14, 2007

Cash Flow 101

Ano nga ba ang cash flow? Sabi nila ang cash flow daw ay ang flow ng pera papasok o palabas ng bulsa mo. Oo nga, bakit pa natin kailangang gawing kumplekado ang dapat ay simpleng diskusyon lang. Cash flow, ganun lang pala yun, eh ano ngayon sa akin?Ganito na lang marami sa `ting pinoy ngayon ang nagtratrabaho. Marami ang nasa abroad at nagbibigay ng limpak limpak na dollars sa kabang yaman ng bansa. Pero kung tutuusin, gumaganda ba ang buhay nila? Gumaganda ba ang buhay natin? Oo nga, gumaganda sa ibang aspeto dahil sa pera na nabibili natin ang mga bagay-bagay na dati ay hanggang ilusyon lang. Pero bakit parang may kulang? Bakit masaya lang ba tayo tuwing kinsenas at katapusan o may padalang remittance si nanay o tatay galing Jeddah o Tate? Sa wakas may pang tuition na, sa wakas may baon na sa eskwela, sa wakas may pambili na rin ng bagong model ng cellphone. Pero kung minsan ang pera ay napupunta lang sa mga bagay-bagay na pwede namang saka na lang. Bakit mo pa ba kailangang bumili ng bagong model ng cellphone kung buo at functional pa naman ang luma? Bakit mo pa ba kailangan bumili ng bagong sapatos o damit kung okay pa naman ang mga luma mo? Bakit mo pa ba kailangan magpunta sa mga gimikan na sa isang gabi lang ay ubos na agad ang kalahati ng kinita mong sweldo?Tama sa madaling salita, parang mali yata ang pag prioritize ng paggastos. Oo, ako din naman kung minsan ganun din. Ang pera na pinambili ng assets, bumabalik at meron pang kita pero ang perang pinambili ng liability, di na. Parang cellphone na luma, unless ibenta mo di na magiging pera ulit at kung ibebenta mo sigurado sa mas murang presyo ng pagkakabili mo. Gets?Pero ang perang pinambili ng asset, babalik say o at may dagdag pa. Ang edukasyon ay asset kasi gagastos ka nga pero magdagdagan naman ang kaalaman mo na mgagamit mo sa ibang bagay. Parang business, mag gastos ka man sa capital, babalik naman sya sa yo na may tubo. Pero kailangan yung business na okay in terms of market o dami ng pagbebentahan at profitable o may malaking chance na kikita. Kasi bakit ka pa magbubusiness kung break even lang o walang kita, para ka lang nagtrabaho sa wala. Eh ganun pala, mahirap pala mag negosyo ay bakit pa? Sa totoo lang mahirap lalo na kung di mo alam kung anong ginagawa mo o ibinebenta mo? Pero kung may sipag, tyaga, talino at lakas ng loob ay bakit naman hindi. Sa negosyo marami kang matutunan, nandyan ng malugi kahit na ginawa mo ang home work mo. Kahit na graduate ka ng magaling na eskwelahan ay di iyon kasiguraduhan na successful ka agad sa business mo. Maraming matutunan at dapat pang matutunan. Kaya dapat ingat at wag mahiyang magtanong kung kailangan. Kasi kung minsan puro advantages o positibong bagay lang ang naitatanong natin at wala ng disdavantages at threats o mga negatibong pwedeng mangyari o makakaapekto sa papasukang negosyo.Isiping mabuti kung ano ang gusto mong gawin o ipagbenta at tingnan mo rin kung ano ang gusto ng market o posibleng mong pagbentahan ng serbisyo o produkto mo. Tingnang mabuti rin ang mga possible mong kakumpetensya. At higit sa lahat pasukin mo ang negosyo na malapit sa puso mo. Yung pwede mong gawin kahit wala kang sweldo. Ibig sabihin gusto mo talaga ang ginagawa mo.Eh ganun pala ay bakit pa ako magnenegosyo? Oo nga mahirap magnegosyo, pero kung tutuusin, dapat nating tanungin ang sarili natin kung ano ang kakaharapin natin 10 o 20 years mula ngayon. Dahil sigurado ka ba na dyan ka na sa pinagtratrabahuhan mo hanggang ganung katagal? What if suddenly, kailangan mo mag resign, what will you do?Ang gusto ko lang naman sabihin na you can already go into business even while you are working. What business? Diskarte mo na yun? Let your mind work. Kasi when you already realize na mas malaki ang kikitahin mo sa pagbubusiness ay bakit ka pa mag stay sa work mo ngayon? Think of doable things, mga pwede mong gawin ngayon at kahit maliit sa umpisa.At higit sa lahat prioritize your spendings. Isiping mabuti, isa, dalawa, tatlo o higit pang beses bakit ka kailangang bumili o gumastos sa isang bagay. Asset ba to o liability?Learn also to tap other good long term investments gaya ng insurance at plans. Pero dapat mag-ingat din. Kailangan mong alamin ang background ng insurance company. Alaming mabuti ang financial background o track record ng company.There are also other investment tools kagaya ng stocks, mutual funds at iba pang investment vehicle na mas malaki ang posibleng kitahin kaysa sa savings interest ng bangko. Pero dapat alamin mo munang mabuti ang lahat ng ito before you enter into these. Learn from the experiences of others. Sa lahat ng bagay, importanteng alamin mo munang mabuti kung ano ang gusto mong pasukan. Mahirap ng maloko at mawala ang perang mong pinagpaguran.Give and you shall receive. Learn also to give to the poor or the church or sa community mo. Learn to give with your heart. Kasi di lang naman tayo nabubuhay para sa sarili natin. Sabi nga sa kanta, "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang …"God bless,Yel

No comments: